Kaligayahan at Sense of Humour tanda ng Kabanalan
- May 27, 2018
- 4 min read
A commentary on paragraph 122-128 of the Apostolic Exhortation Gaudete et Exsultate of the Holy Father Francis on the Call to Holiness in Today’s World (March 19, 2018)

Ayon sa ika-4 na kapitulo ng Gaudete et Exsultate, isa sa mga katangian ng pagiging banal ay ang kaligayahan. Hindi siya taong palaging seryoso bagkus makikita mong maaliwalas ang kanyang mukha. Marunong din siyang magbiro at tumanggap ng biro. Marunong siyang tumawa o maaring humalakhak sa bawat kwentuhang masaya. Bakit? Sapagkat ang kabanalan ay hindi naglalayo sa mga katotohanan ng pagiging tao.
Ang isang taong banal ay mayroong positibong pananaw sa bawat pangyayari sa buhay (cfr. 122). Kabaliktaran nito ay ‘yung tinatawag nating mga taong “nega”. Sila yung mga taong walang kaligayahan sa buhay. Lahat na lang mali, lahat na lang may komento, lahat na lang hindi maganda ang dating sa kanya. Pwede din nating sabihing pecfectionist in a negative sense. Kapag pala ako ay nag-uumpisang maging banal, nakikita ko ang mga pangyayari sa paligid ko sa positibong pagtingin. Sa kabilang dako, kapag negatibo ko nakikita ang bawat pangyayari sa buhay ko at pagkilos ng ibang tao, hindi ko tinatahak ang buhay sa kabanalan. Magaan ang kalooban ng isang taong banal sapagkat kaya nyang ngitian ang kahinaan ng kanyang kapwa sapagkat marunong syang umunawa. Ang isang taong puno ng reklamo sa buhay at reklamo sa kapwa ay hindi masaya.
Kaugnay ng pagiging positibo sa buhay ay ang pagiging puno ng pag-asa (cfr 122). Ang isang taong maligaya hindi ibig sabihin ay wala syang problema. Naroon, bahagi ng buhay ng tao ang mga pagsubok at krus na dinadala. Subalit hindi nito maaaring alisin ang kaligayahan sa buhay ng isang Kristiyano. Maaring, may mabigat na pinagdadaanan sa buhay, subalit magagwa pa ring ngumiti at tumawa sapagkat mayroong pag-asa.
Paano ang isang taong banal ay nagagawang maging masaya sa gitna ng mga pagsubok at rus sa buhay? Anong uri ng kaligayahan mayroon ang isang taog banal? Saan nagmumula ang kaligayahang ito? Anong meron sa kaligayahan ng pagiging tunay na Kristiyano?
Ang susi sa kaligayahan ay walang iba kundi si Kristo (cfr. 123-124). Lumang Tipan ay pagpapahayag ng kagalakan at ang Bagong Tipan ay ang katuparan ng kagalakang hinihintay sa Lumang Tipan. Ang nagbibigay ng kagalakan ay hindi “ano” kundi “sino”. Si Hesus ang tunay na lakas ng bawat mahihina. Si Hesus ang pag-asa sa kabila ng kawalan. Si Hesus at ang kanyang pangako sa atin na pananatili ang ating kaligayahan sa buhay. Aang isang taong maligaya ay nabubuhay at nagtitiwala sa kay Hesus. Ang isang taong nagmamamahl kay Hesus ay taong maligaya sapagkat alam niya na minamahal siya ng kanyang minamahal. Nabanggit ng Santo Papa na ang bunga ng pag-ibig ay kaligayahan (quoting St. Thomas Aquinas in 122).
Ang pagiging maligaya ay tanda ng isang pusong mapagpasalamat (cfr. 126). Minsan, tayo’y malungkot dahil mayroon tayong hinahanap sa ating buhay. Mayroong kulang. May inaasahan tayo na hindi natin nakakamit. Subalit kung makikita nating lahat ang biyaya ng Diyos sa ating buhay, ang kanyang pagkilos, ang pagpupuno sa ating kakulangan, makikita natin, sobra at sobra pa pala ang ating tinatanggap na dahilan upang tayo’y maging masaya. We show to the giver that we appreciate the gift through joy. Therefore, Christian joy is the joy of being thankful.
Kaugnay ng kaligayahan ng isang Kristiyano ay ang sense of humour (cfr. 126). Binanggit nang Santo Papa ang ilang mga taong kinikilala nating namuhay ng may kabanalan. Bahagi ng buhay na iyon ay ang kanilang sense of humour. Ibinigay ng Santo Papa bilang halimbawa ang isang panalangin ni St. Thomas More:
“Grant me, O Lord, good digestion, and also something to digest. Grant me a healthy body, and the necessary good humour to maintain it. Grant me a simple soul that knows to treasure all that is good and that doesn’t frighten easily at the sight of evil, but rather finds the means to put things back in their place. Give me a soul that knows not boredom, grumbling, sighs and laments, nor excess of stress, because of that obstructing thing called ‘I’. Grant me, O Lord, a sense of good humour. Allow me the grace to be able to take a joke and to discover in life a bit of joy, and to be able to share it with others”.
Sa panalanging ito, makikita natin ang paghingi ni St. Thomas More ng “good sense of humour”. Let us remember that there is a “bad humour”. Kapag ang kaligayahan ay nakakasira ng ibang tao, that is a bad humour. Kapag masaya tayong pina-uusapan ang buhay ng ibang tao, that is a bad humour. Let us say for example in the world of entertainment. One of the forms of entertainment is comedy. Kaya lang may mga komedyante na pinapatawa tayo sa pamamagitan ng paninira sa ibang tao. That is not a good humour. Maari tayong magpasaya at maging masaya nang hindi nakakasakit ng damdamin ng iba. Let us maintain a good humour, a humour which is the fruit of holiness.
Tandaan natin, ang kaligayahang dulot ng kabanalan ay nag-uugat sa kabutihan at nagbubunga ng kabutihan. Ang kaligayang taglay ng isang taong banal ay higit ka kaligayahang ibinibigay ng mundong ito, pansamantala lamang. Ang kaligayahan ng pagiging banal ay nagmumula sa kabutihan at pagmamahal ng Diyos.



Comments